Patuloy ang pag-alalay ng lokal na pamahalaan sa mga pamilyang naapektuhan ng sunog sa residential area sa NIA road sa Brgy. Pinyahan.
Nag-deploy ng mobile showers ang QC Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO), habang patuloy naman ang paghahatid ng supply ng tubig ang QC Fire District (QCFD) sa mga evacuation center.
May mga nag-iikot na tauhan ng QC Veterinary Department para suriin ang mga alagang hayop ng mga residente.
Hindi rin tumitigil sa cleanup operations ang Department of Sanitation and Cleanup Works (DSQC) at nagtalaga pa ng karagdagang waste bins sa evacuation sites para masigurong malinis at ligtas sa sakit ang mga lumikas.
Katuwang naman sa pagbibigay ng seguridad sa evacuation centers ang mga tauhan ng QC Police District (QCPD), at Bureau of Fire Protection (BFP).










