Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Patuloy ang pagtugon ng iba-ibang ahensya kasunod ng sunog sa NIA Road, Quezon City.
Nagsasagawa na ng clean-up ang DSQC, habang nanguna naman ang QC Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO) at District Action Office sa pag-set up ng mga modular tent sa mga evacuation site.
Kasabay nito, nagtayo ang Quezon City Health Department (QCHD) ng medical post upang tugunan ang mga pangangailangang medikal ng mga apektadong residente, kabilang ang paggamot sa mga nagtamo ng sugat, check-up, libreng gamot, at pagbabakuna para sa mga pansamantalang nanunuluyan sa evacuation sites.








