Sa QC: More to Explore!
Nilibot ng tourism stakeholders, mga miyembro ng media, at content creators ang iba-ibang pasyalan at tourist destinations sa Quezon City sa ginawang QC Time Capsule Day Tour. Kasunod ito ng opisyal na paglulunsad ng bagong tourism branding ng lungsod na “QC More to Explore.”
Kabilang sa mga pinuntahan ang Presidential Car Museum, Las Casas Filipinas de Acuzar, Mira Nila Heritage House, University of Philippines Oblation by National Artist Guillermo Tolentino, Parish of the Holy Sacrifice, at Maginhawa Arts and Food Hub.
Nasilayan ng mga dumalo sa tour ang mayamang kasaysayan at kultura na dito lamang makikita sa lungsod.
Layon din ng bagong tourism logo launch at day tour na isulong ang Quezon City bilang isang premiere tourist destination sa bansa.




