There is more in QC!
Bilang bahagi ng selebrasyon ng World Tourism Day 2024: Tourism and Peace, inilunsad ng pamahalaang lungsod ang kauna-unahang Tourism Stakeholders’ Consultation sa Novotel Manila.
Sa kanyang talumpati, ibinida ni Mayor Joy Belmonte ang mga naggagandahang tourism destination, exciting activities, at food hubs na maaaring i-explore ng mga bibisita sa lungsod.
Hinimok rin ng alkalde ang mga ka-partner ng QC na suportahan ang lungsod sa layon nitong kilalanin bilang UNESCO Creative City of Film sa 2025.
Nakiisa sa consultation sina Department of Tourism NCR Asst. Regional Director Catherine Agustin, Baguio City Supervising Tourism Operations Officer Aloysius Mapalo, at ECPAT PH Program Officer Ginno Corral.
Kasabay ng stakeholders’ consultation, pormal na ring ipinakilala ang tourism branding ng QC. Abangan ang mga nakahandang events at activities sa ilalim ng Quezon City Tourism Department.