Nasa 100 daycare students ng Brgy. Greater Lagro ang tinuruan ng QC Traffic and Transport Management Department (TTMD) ukol sa mga batas-trapiko at road signs, bilang bahagi ng pagdiriwang ng Road Safety Month.

Ginamit pa ng TTMD ang papet nilang si Lino Matalino, ang kauna-unahang “Papet Enforcer” ng bansa, katuwang ang iba pang enforcer, sa pagtuturo ng traffic signs, tamang paggamit ng helmet at seat belts, at pagtawid sa pedestrian lane.

Ang proyektong ito ay pinamumunuan ni TTMD Department Head Dexter Cardenas mula sa konsepto ni Education and Training Section OIC Mary Laurence, Robledo Mendoza, at ng education and training team kasama sina Bienvenida Sabutanan, Daniel Estefanio, Joselissa Cayabyab, Daniel Ferrer, Mary Grace Lim, at ventriloquist na si Rodolfo Uy.

+2