Newsmaker of the year ng Manila Bulletin ang Trash to Cashback Program ng Quezon City!
Kinilala ng Manila Bulletin ang programa ng pamahalaang lungsod dahil sa pagsusulong nito ng sustainability at circular economy.
Nailunsad noong 2021, mahigit 800,000 kilos na ng single-use plastics ang nai-divert ng programa mula sa mga landfill. Katumbas ito ng 2.6 million environmental points, o 2.6 million pesos na nagamit ng mga QCitizen pambili ng kanilang pangunahing pangangailangan o pambayad ng kanilang utility bills.
Dahil dito, recipient din ang Trash to Cashback program ng prestihiyosong 2025 Local Climate Leaders Awards ng C40 Cities at Bloomberg Philanthropies.
Malugod na tinanggap ni Mayor Joy Belmonte ang parangal, sa ika-126 anniversary celebration ng Manila Bulletin sa Manila Hotel.
Noong 2024, kinilala ng Manila Bulletin si Mayor Joy Belmonte bilang 2023 Newsmaker of the Year, dahil sa kanyang mga adbokasiya at inisyatibo para pangalagaan ang kalikasan, at ma-protektahan ang mga mamamayan mula sa masamang epekto ng lumalalang climate change.








