Nagkaroon ng Completion Day Ceremony para sa mga mag-aaral na naging bahagi ng pilot rollout ng QC Tutoring Program.
56 mag-aaral mula sa Bago Bantay Elementary School at Commonwealth Elementary School ang dumalo sa ceremony kasama ang kanilang mga magulang na sumuporta rin sa programa.
Present din sa ceremony sina Coun. Aly Medalla, Chairperson ng Committee on Education at Dr. Carleen S. Sedilla, Schools Division of Quezon City Superintendent.
Ayon kay Dr. Sedilla, naging posible ang QC Gabay Aral sa tulong ng Chalkboard, Inc. at mga donor ng QC Learning Recovery Trust Fund na binibigyang prayoridad ang pagtugon sa learning gaps na nararanasan ng mga mag-aaral partikular na sa pagbasa at pagbilang.
Ang QC Tutoring Program ay isa sa mga prayoridad na programa ni Mayor Joy Belmonte bilang tugon sa layunin ng lokal na pamahalaan na magbigay ng dekalidad at inklusibong edukasyon sa kabataan.