QCitizens, tara na’t bisitahin ang QC Underparadisso!
Tampok ang iba-ibang endangered na hayop at halaman sa Pilipinas, pormal nang binuksan ng Quezon City Government ang “QC Underparadisso” sa underpass na nagkokonekta sa Quezon City Hall at Quezon Memorial Circle.
Ang QC Underparadisso ay paraan ng lokal na pamahalaan upang ipaalala at ipaunawa sa mga mamamayan ang kagandahan ng kalikasan at kung bakit ito kailangan pangalagaan.
Mismong sina Mayor Joy, District 1 Rep. Arjo Atayde, Sentro Artista Art Hub founders Mr. Jay Ruiz and Ms Marj Ruiz, City Administrator Mike Alimurung, Climate Change and Environmental Sustainability Department (CCESD) Head Andrea Villaroman, at mga department head ng pamahalaang lungsod ang nanguna sa unveiling ceremony ng QC Underparadisso.
Isang buwan nagsama-samang nagpinta ang mga local artist at environmental advocates, sa pangunguna ng Sentro Artista Art Hub, internationally acclaimed muralist na si A.G. Saño, Art Atak team, Cosmic Clint, at RKTRS Art Collective, katuwang ang mga volunteer mula Boundless Possibilities Foundation – Gentle Giants, art students mula Eulogio Amang Rodriguez Institute of Science & Technology, UP College of Fine Arts, at Central Colleges of the Philippines.
Panoorin ang special video na binuo ng Quezon City Government para sa QC Underparadisso rito: https://www.facebook.com/QCGov/videos/896842541579242