Dumalo bilang kinatawan ni Mayor Joy Belmonte si Barangay and Community Relations Department head Ricky Corpuz sa selebrasyon ng ikatlong anibersaryo ng QC United Defenders of Democracy and Sovereignty (UDDS) na may temang “Building Partnership with QC LGU”.

Dumalo ang higit 800 na mga miyembro nito mula sa anim na distrito sa pagtitipon na ginanap sa Quezon Memorial Circle Covered Court. Pinangunahan din ni Mr. Corpuz ang panunumpa ng mga miyembro ng UDDS.

Present din bilang guest speaker si former Councilor Julian Coseteng kasama ang mga opisyal ng UDDS na sina Acting President Gen. Jojo de Guzman (Ret), QC-UDDS Chairwoman at Barangay Libis Capt. Leny Pasco, at mga board members.