Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Mas matatag na kabuhayan para sa QC vendors! ![]()
Idinaos ng QC Market Development and Administration Department ang QC Vendors’ Summit 2.0 upang mabigyan ang mga vendor at hawker ng kaalaman, gabay, at pagkakataong maipahayag ang kanilang mga hinaing.
Layunin din nitong palakasin ang ugnayan ng pamahalaang lokal at vendors para sa kanilang ligtas at maayos na kabuhayan.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Mayor Joy Belmonte ang kahalagahan ng pagpapalakas sa mga vendor at maliliit na negosyante dahil kabilang sila sa paglago ng ekonomiya ng lungsod.
Pinaalalahanan din ang mga dumalo na maaaring i-report ang anumang pang-aabuso o maling gawain ng mga opisyal sa Helpline 122, QC iReport, o official QC social media channels.










