Upang maging tuluyang ‘rabies-free’ ang Quezon City, nagsagawa ng anti-rabies vaccination, spay and neuter, at microchipping (pet registration) ang QC Veterinary Department (QCVD) sa Barangay Masagana.

Ayon sa QCVD, 240 pets ang nabigyan ng libreng anti-rabies vaccine; 220 ang nakapon; at 100 ang nalagyan ng microchip ngayong araw na culminating activity para sa Rabies Awareness Month.

Bawat pet owner ay nakatanggap din ng ‘ayuda’ para sa kanilang mga alaga, at binigyan pa ng karagdagang kaalaman sa pagiging responsableng fur-parent.

Araw-araw na nagsasagawa ang lungsod ng vaccination drive at spay and neuter programs para sa mga hayop. Para sa schedule, umantabay lamang sa facebook page ng Quezon City Government at Quezon City Veterinary Department.