Sa Quezon City, Buhay ng Pets ay Mahalaga! ![]()
![]()
Sa gitna ng pananalasa ng Super Typhoon #UwanPH, agad na kumilos ang QC Veterinary Department Response Team matapos makatanggap ng ulat mula sa isang concerned QCitizen tungkol sa isang aso na na-trap sa ilog ng Brgy. Paltok, East Riverside Street.
Sa tulong at pakikipag-ugnayan sa Barangay staff ng Brgy. Sta. Cruz at Brgy. Paraiso, matagumpay na nasagip si “Putol”.
Wala namang nakitang sugat o galos sa nasagip na aso matapos itong masuri ng ating mga beterinaryo.
Kasabay nito, nasagip din ang ilang stray cats na naulanan at giniginaw sa kalsada ng Brgy. Apolonio Samson. Agad namang dinala ang mga rescued fur pets sa veterinary clinic para sa masusing pagsusuri at pangangalaga. ![]()
![]()
Ang insidenteng ito ay patunay na sa Quezon City, walang alagang naiiwan, lalo na sa panahon ng sakuna.
Salamat sa lahat ng QCitizens, Barangay Animal Officers, at mga katuwang na patuloy na nagmamalasakit sa kapakanan ng ating mga alaga.







