Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Nagwagi ang Quezon City sa Frontline Protection Category ng Planet Aqua City Awards sa ginanap na C40 Cities Venice Climate Week!
Tinanggap ni QC Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO) Head EnP Ma. Bianca D. Perez-Diamante ang parangal sa ngalan ng lungsod.
Kinilala ang IRISE UP dahil sa paggamit nito ng data at teknolohiya upang mapalakas ang kahandaan ng mga komunidad laban sa pagbaha at matitinding lagay ng panahon.
Sa ilalim ng pamamahala ni Mayor Joy Belmonte, patuloy na mangunguna ang Quezon City sa pagsusulong ng mga makabago at inklusibong solusyon para sa climate resilience at disaster risk reduction.
https://www.swimmablecities.org/










