Another win for QC!

Nakamit ng Lungsod Quezon ang Gold Level at 1st ranking bilang Most Bicycle-Friendly City ng Mobility Awards 2023!

Ang pagkilalang ito ay patunay sa masigasig na pagsusulong ng Pamahalaang Lungsod sa pagbibisikleta bilang alternatibo, mas sustainable, at environment-friendly na paraan ng transportasyon.

Bukod sa QC, kinilala rin ang Iloilo City, at Baguio City na kabilang sa most bicycle-friendly cities ng Mobility Awards.

Ang Mobility Awards ay inorganisa ng Institute for Climate and Sustainable Cities (ICSC), MNL Moves, Climate Reality Project-Philippines, 350.Org Pilipinas, at Pinay Bike Commuter.