Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Congratulations, QC!
Ginawaran ng Special Award ang Quezon City Government para sa Highly Urbanized City Category sa ginanap na Philippine National Police (PNP) Day sa Camp Bagong Diwa.
Tinanggap ni Secretary to the Mayor Atty. Hermilia Banayat ang parangal, bilang kinatawan ni Mayor Joy Belmonte.
Pagkilala ito sa matatag na suporta at pakikipagtulungan ng Pamahalaang Lungsod sa PNP kaugnay sa pagsusulong ng kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan ng publiko sa Lungsod Quezon.







