Kapag kasama ang babae sa pagpa-plano at pagdi-disenyo ng transportation facilities, siguradong mas ligtas, mabilis, at accessible ang biyahe para sa lahat! 💜 ✨
Daan-daang kababaihan mula sa sektor ng transportasyon ang dumalo sa QC Women in Transportation and Mobility Summit sa QC M.I.C.E. Center.
Sa kanyang talumpati, ibinahagi ni Mayor Joy Belmonte ang mga inisyatibo ng lokal na pamahalaan para masigurong ligtas ang biyahe at ang mga kalsada para sa mga kababaihan.
Pinalawak pa ng lungsod ang CCTV network, protected bike lanes, at mga sidewalk. Isinusulong din ang pagiging pedestrian-friendly ng QC.
Layon ng summit na maipakita kung paano tinitiyak ng QC ang kapakanan ng mga kababaihan sa biyahe, at mahikayat ang iba pang grupo at organisasyon na makiisa sa hangarin ng lungsod sa pagsusulong ng ligtas na byahe para sa lahat.








