Pormal nang binuksan ang QC x ANTHILL Textile Circularity Hub sa Barangay Payatas!
Ang Circularity Hub, na kauna-unahan sa Pilipinas, ay nagsisilbing one-stop-shop sa pag-upcycle ng textile waste: (1) nagsisilbi itong weaving facility para sa mga discarded o patapong tela; (2) training ground para sa local artisans; at (3) marketplace para sa pagbebenta ng finished products na gawa sa mga patapong tela at damit.
Dalawampung (20) kababaihan mula sa Barangay Payatas ang sumailalim sa libreng pagsasanay ng Anthill sa traditional weaving gamit ang weaving loom. Sampu (10) sa kanila ay sasailalim sa advanced weaving training.
Dumalo sa opisyal na pagbubukas ng pasilidad sina Mayor Joy Belmonte, ANTHILL Fabric Gallery Co- Founder/Managing Director Joy Anya Lim, Maybank Philippines Corporate Affairs Head Edelyn Castro, at Pilipinas Shell Foundation Inc. Energy Transition Lead Engr. Stanley Siahetiong, Coun. Aly Medalla, at iba pang opisyal ng pamahalaan.
Ang Circularity Hub ay isa sa mga programa ng lokal na pamahalaan sa pagtugon sa lumalalang problema sa textile waste. Mayroong weaving looms, cutting machines, at production at showroom spaces na magagamit ng mga trained artisan sa pag-upcycle ng mga luma o patapong damit at tela.








