Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Bumisita sa Lungsod Quezon ang Sangguniang Kabataan ng Brgy. Apas, Cebu City para sa isang benchmarking activity upang pag-aralan ang mga serbisyo at best practices ng QC Youth Development Office at SK Federation of Quezon City.
Pinangunahan ni SK Federation President at Ex-Officio Member, Coun. Sami Neri ang benchmarking activity, katuwang ang mga kawani ng QCYDO. Kanilang ibinahagi ang flagship programs at adhikain ng QC para sa mga kabataan tulad ng QC Scholarship Program. Sa pamamagitan ng benchmarking na ito, mas pinalalakas ang kaalaman at pagpapabuti sa serbisyo ng gobyerno para sa kabataan.
#QCMoretoExplore#BenchmarkingAtQC










