Pinamunuan ni Vice Mayor Gian Sotto ang ikatlong Regular Council Meeting ng Quezon City Anti-Drug Abuse Advisory Council na ginanap noong Biyernes sa Bulwagang Carlos Albert ng Quezon City Hall.

Tinalakay sa pulong ang mga nagawa ng QCADAAC sa loob ng anim na buwan. Iniulat naman ng mga kinatawan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang kanilang after-care program at estado ng kalusugan ng mga detenidong may kinakaharap na kasong may kinalaman sa droga.

Inihayag naman ng Quezon City Police District ang binabalak nilang pagpapatuloy ng kanilang drug-clearing operations sa mga barangay kung saan nangako si QC Liga ng mga Barangay president at ex-officio city councilor Alfredo Roxas na makikipagtulungan sa pulisya sa nasabing programa.

Inilatag rin ng QCADAAC secretariat ang panukalang polisiya na palawigin ang pagkakaroon ng drug-free workplaces sa lungsod.

Ang quarterly meeting ng QCADAAC ay dinaluhan nina Councilors Joseph Juico, Rannie Ludovica, Alex Bernard Herrera, Freddie Roxas at Noe dela Fuente, mga hepe at kinatawan ng QC Police District, BJMP, Philippine Drug Enforcement Agency, Dangerous Drugs Board, husgado at piskalya, civil society at ng iba’t ibang tanggapan ng pamahalaang lungsod.