Ininspeksyon ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Council (QCDRRMC) urban search and rescue personnel ang mga chainsaw at iba pang kagamitan bilang paghahanda sa Bagyong #KristinePH.
Nakapwesto na rin ang mga rescue boat at flood response equipment sa iba-ibang bahagi ng lungsod sakaling kailanganin ang mga ito sa paglikas ng mga residenteng maaapektuhan ng bagyo.
Para sa mga emergency, maaaring tumawag sa ating Quezon City Helpline 122 para sa agarang aksyon.