Nakatutok si Mayor Joy Belmonte sa emergency operations center ng QC Disaster and Risk Reduction Management Council upang antabayanan ang lagay ng Bagyong #KristinePH sa Lungsod Quezon.
As of 7:00PM, nagkaroon na ng preemptive evacuations sa mga barangay ng Masambong, Sto. Domingo, Mariblo, Bagong Silangan, Roxas, Apolonio Samson, Talayan, Tatalon, Damayang Lagi, at naitala na rin ang pagbaha sa Del Monte.