Bilang bahagi ng disaster preparedness ng lungsod, inihanda na ng QCDRRMO ang mga bagong kagamitan para sa emergency response.
Kabilang dito ang high angle equipment, shoring equipment, water rescue equipment, vehicular extrication equipment, searching and breaching equipment, at jump cushion para sa mas ligtas at efficient rescue operations.
Preparado na rin ang mga bagong sasakyang pang-responde tulad ng fiber boats, LUF 60 unmanned firefighting machine (remote-controlled), rescue pickup, rescue truck, ambulance na may advanced life support, at man lifter na magagamit sa iba’t ibang uri ng insidente.
Layon ng mga makabagong kagamitang ito na tiyakin ang mabilis, maayos, at epektibong pagtugon ng lokal na pamahalaan kapag may sakuna, kalamidad, at iba pang emergency.




