Maagang nagtipon ang mga ahensya ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO), upang pagusapan ang emergency response na gagawin sa mga presinto ngayong araw ng halalan.
May mga ambulansya na itinalaga ang departamento sa iba-ibang lugar ng lungsod upang masiguro ang kaligtasan ng lahat ng Qcitizens.
Para sa emergency, tumawag sa Quezon City Hotline 122.