Bumisita ang mga kinatawan ng QC Disaster Risk Reduction and Management Office sa Roxas City DRRMO at barangay hall ng Brgy. Adlawan kasabay ng isinagawang relief assistance operations sa lungsod para sa mga residenteng naapektuhan ng Bagyong Paeng.

Ayon kay Punong Barangay Robert Ross Roldan, kabilang ang kanilang barangay na nakaranas ng matinding pagbaha noong kasagsagan ng bagyo, inirekomenda niya rin ang pagtatayo ng elevated evacuation center para sa mga residente na maaaring magamit sa oras ng kalamidad.