Nagsagawa ng operations at weather briefing ang mga kawani ng Quezon City Disaster Risk Reducation and Management Office kasama ang mga ahensya na bahagi ng QC DRRM Council bilang paghahanda sa Super Typhoon Pepito.
Inilatag ng QCDRRMO ang mga naging aksyon ng lokal na pamahalaan para masiguro ang kaligtasan ng mga QCitizens.
Nagsagawa na rin ng preemptive evacuation ang QC Urban Search and Rescue Team sa mga flood-prone areas ng ilang barangay sa lungsod at hinikayat na lumikas ang ilan pang residente dahil sa nakaambang banta ng bagyo.
Para sa anumang uri ng emergency, maaaring i-dial ang Quezon City Helpline 122 upang agarang matugunan ito.