Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-82 anibersaryo ng Lungsod Quezon, nagsagawa ng Bike Run Activity sa pangunguna ni Mayor Joy Belmonte kasama sina Metro Manila Development Authority Chairman Benhur Abalos, Department of Transportation Asec. Mark Steven Pastor, Department of Public Order and Safety head Gen. Elmo San Diego (Ret.), at QC Police District Director BGen. Antonio Yarra.

Nakiisa rin sa okasyon sina City Administrator Micheal Alimurung, Department of Building Official head Atty. Dale Perral, TF-Transport and Traffic Management Action Officer Dexter Cardenas, at mga kinatawan ng pamahalaang lungsod. Inimbitahan din ang mga bike group at iba pang QCitizens na bike enthusiast.

Ibinida ni Mayor Belmonte ang QC Bike Lane Network Project kung saan mayroong expanded bike lane sa lungsod sa habang 93 kilometro at patuloy na dinaragdagan upang bigyang pagpapahalaga at itaguyod ang alternatibong transportasyon.

Dagdag pa ng alkalde, malaki ang naitutulong ng maayos at ligtas bike lanes para sa QCitizens.

Pinuri naman ni MMDA Chairman Abalos ang Lungsod Quezon sa matagumpay nitong pagpapaganda ng bike lanes. Aniya, tuloy-tuloy ang pakikipagtulungan ng MMDA at QC LGU sa mga proyekto nito para sa QCitizens.

Naging bahagi din sa selebrasyon si District 6 Congressman Kit Belmonte, at mga kinatawan ng Sangguniang Panlungsod na sina Coun. Mikey Belmonte, Coun. Ivy Lagman, at Coun. Irene Belmonte.