City of the Stars – Quezon City!

Ginanap ngayong araw ang QCinema International Film Festival Press Conference sa pangunguna nina QC Film Commission (QCFC) Chairperson Mayor Joy Belmonte, Festival Director Mr. Ed Lejano, QCFC Executive Director Ms. Liza Diño-Seguerra, at QC Film Foundation President Ms. Manet Dayrit.

Tinalakay ng alkalde ang planong pagkakaroon ng One-Stop-Shop System para sa mga filmmaker na nais gumawa ng pelikula sa lungsod. Ito ay magiging paraan upang mas maging mabilis ang pagkuha ng kakailanganing permits.

Magsisimula ang QCinema sa November 17 hanggang November 26.

Maaaari ka nang makapanood sa halagang P300. Mayroong 20% discount para sa students, senior citizens at PWDs at P250 lang ang ticket para sa mga residenteng may dalang QCID.

Ito ay ipapalabas sa mga sumusunod na Malls: Gateway and Ali Mall Cineplex, U.P. Town Center – Ayala Malls, Robinsons Magnolia, Shangri-La Plaza, and Power Plant Mall.

Abangan lamang ang schedule na ilalabas sa QCinema at ayain na ang buong pamilya!

#QCinema2023

+30