Abangan ang bagong edisyon ng QCinema sa Nobyembre!
Ibinida ng QCinema ang line-up ng local at international movies at short films na ipapalabas sa 12th edition ng QCinema Film Festival mula November 8 hanggang 17.
Sa media conference ng festival ngayong tanghali, binanggit ni Mayor Joy Belmonte kung paano sinusuportahan ng lungsod ang homegrown filmmakers at ang kampanya ng QC para maging UNESCO Creative City of Film.
Nakikipagtulungan din ang lungsod sa Mowelfund Film Institute para sa pagtatayo ng Museo ng Pelikulang Pilipino sa Quezon Memorial Circle.
Hinikayat pa ng alkalde ang lahat ng manonood sa QCinema na maging sustainable at magdala ng sariling tumblers.
Dumalo sa media con sina QCinema Festival Director Ed Lejano, QCShorts Programmer Jason Tan Liwag, QCinema Film Foundation Inc (QCFFI) President Manet Dayrit, at QCFFI Board Member Paolo Villaluna.