Abangan ang 13th Edition ng QCinema International Film Festival ngayong Nobyembre!
Sa press conference ng QCinema kahapon, ibinida ang iba-ibang pelikula na mapapanood sa film festival na may temang ‘QC Film City’.
Mga pelikulang gawa ng iba-ibang bansa ang kasama sa mga entry sa Competition Sections (Asian Next Wave, RainbowQC, New Horizons, QCShorts International), at Exhibition Sections (Screen International, Before Midnight, Rediscovery, QC Selects).
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Mayor Joy Belmonte na suportado ng lungsod ang mga pelikula. Binibigyang halaga rin ng lungsod ang mga pelikulang may angking tapang at puso, na karaniwang hindi napapanood ng publiko.
Kaya para ipakita ang pagpapahalaga sa mga alagad ng sining, magtatayo ang lokal na pamahalaan ng one-stop-shop para sa mga nasa creative industry para matulungsan sa lahat ng kanilang kinakailangan, tulad sa mga permit sa pre at post production.
Tinitiyak ding accessible ang mga pelikula sa mga komunidad sa lungsod, sa pamamagitan ng QCinema Campus Tour at film screening sa mga barangay.
Mapapanood ang 13th Edition ng QCinema Film Festival mula November 14 hanggang November 23 sa cinema houses ng Gateway, Eastwood, Trinoma, Fisher Mall, Cloverleaf, at Robinsons Galleria.








