Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Dumalo si Mayor Joy Belmonte sa screening ng “Lakambini: Gregoria De Jesus” sa direksyon nina Jeffrey Jeturian at Arjanmar Rebeta sa QCinema International Film Festival ngayong Linggo.
Ito ay meta-docu-fiction film na tumalakay sa buhay, legasiya, at ang paghahanap ng hustisya ni Ka Oryang, ang Lakambini ng Katipunan, noong panahon ng rebolusyon.
Nakibahagi sa talkback sina Rocco Nacino, Elora Espano, Jeffrey Jeturian, Arjanmar Rebeta, Rody Vera, Ellen Ongkeko-Marfil, Prof. Xiao Chua, at mga kaanak ni Ka Oryang na sina Bobbi Nakpil Santos-Viola, at Karen Tañada.










