Sa Quezon City, bawat proyekto at serbisyo may resibo! ![]()
Ngayong Open Gov week, pormal nang inilunsad ang QCitizen Data: Resibo ng Serbisyo, na nagpapakita ng mga datos at impormasyon ng iba-ibang programa ng lungsod.
Maa-access sa QC E-Services ang QCitizen Data, na may tatlong pangunahing digital platforms:
– QC Open Data Dashboards na nagpapakita ng mga real-time data tungkol sa mga serbisyo at programa, kabilang ang QCitizen ID, Pangkabuhayang QC, at Scholarship Program
– QC Open Infra Dashboard kung saan nakatala ang mga impormasyon tungkol sa QC-funded infrastructure projects. Nakalagay din ang kumpletong project details, cost, contractor, timeline, progress updates, GIS location, at may photo documentation
– QC iReport platform na pwedeng gamitin ng mga residente para mag-sumite ng non-emergency na reklamo o concern gaya ng di nakolektang basura o pundidong ilaw sa poste.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Mayor Joy Belmonte ang kahalagahan ng pagtitiyak ng isang bukas, maaasahan, at transparent na pamahalaan. Pruweba ito na walang nasasayang sa bawat sentimong buwis ng taumbayan.
Ang opisyal na paglulunsad ng QCitizen Data ay bahagi ng pagpapatibay ng lungsod sa pagsusulong ng pamahalaang transparent, may paninindigan, at tunay na tumutugon sa mga pangangailangan ng mamamayan.
Kasama ni Mayor Joy Belmonte sa official launch ng platform sina City Administrator Mike Alimurung, ITDD Chief Mary Ann Cruz, City Engineer Atty. Dale Perral, BPLD Head Margie Mejia, at QCCSD OIC Joel Distrajo.









