For emergency, call:
Helpline 122
El Niño is a climate phenomenon that causes hotter weather and less rainfall. It can bring extreme heat, drought, water shortages, and other impacts on health and livelihoods.
During El Niño, children, pregnant women, senior citizens, people with chronic diseases, and field workers must be extra cautious.
SIGNS OF ILLNESS CAUSED BY HEAT:
- Excessive sweating
- Fatigue or dizziness
- Headache
- Nausea
- Muscle Cramps
- Difficulty breathing
TIPS WHEN TRAVELING WITH CHILD:
- Don’t leave your child in a parked car. When the window is open, the vehicle quickly heats up.
- Ensure that the child is safe and comfortable while traveling.
- Immediately ask for medical help once there are signs of illness caused by heat.
TIPS FOR PREGNANT WOMEN:
- Stay in a cold or covered area.
- Avoid long sun exposure. When going out, choose a time when it is colder.
- Avoid heavy workload.
- Rest often.
- Drink water even when you are not thirsty.
- Bring a tumbler or a bottle of water.
- Consult a doctor if you have a water intake limit.
- When experiencing dizziness, headache, muscle pain, or nausea, immediately cool down and ask for medical help if needed.
- Look out for weather advisories issued by DOST-PAGASA, QC Disaster Risk Reduction and Management Department (QCDRRMD) and the Quezon City Government.
TIPS FOR SENIOR CITIZENS:
- Drink water even when you are not thirsty.
- Stay in a cold or well-lit place.
- Wear loose, light, and breezy clothes.
- Avoid strenuous chores and rest often.
- Take a bath using cool water for relief from the heat.
- Check for any sign of heat stress or dehydration.
- When experiencing dizziness, headache, muscle pain, or or nausea, immediately cool off and ask for medical help if needed.
- Look out for weather advisories issued by the DOST-PAGASA, QC Disaster Risk Reduction and Management Department (QCDRRMD) and the Quezon City Government.
Paano Maging Handa Laban sa El Niño
Ang El Niño ay isang climate phenomenon na nagdudulot ng mas mainit na temperatura at mas kaunting pag-ulan kaysa karaniwan. Maaari itong magresulta ng matinding init, tagtuyot, kakulangan sa tubig, at iba pang epekto sa kalusugan at kabuhayan.
Sa panahon ng El Niño, mas kailangang mag-ingat sa matinding init ang mga bata at sanggol, buntis, senior citizen, may chronic diseases at mga manggagawa.
MGA SENYALES NG SAKIT DULOT NG INIT:
- Labis na pagpapawis
- Panghihina o pagkahilo
- Sakit ng ulo
- Pagduduwal
- Pamumulikat
- Hirap sa paghinga
TIPS KAPAG MAY KASAMANG BATA SA BIYAHE:
- Huwag iwan ang bata sa nakaparadang sasakyan. Kahit bukas ang bintana, mabilis uminit ang loob ng sasakyan. Maaari itong magdulot ng heat stroke o pagkamatay.
- Tiyaking ligtas at komportable ang bata habang bumibiyahe.
- Agad na humingi ng tulong medikal kapag nakitaan sila ng mga senyales ng sakit dulot ng init.
TIPS PARA SA MGA BUNTIS:
- Manatili sa malamig o malilim na lugar.
- Iwasan ang matagal na pagbibilad sa araw. Kung lalabas, piliin ang mas malamig na oras.
- Iwasan ang mabibigat na gawain.
- Magpahinga nang madalas.
- Uminom ng tubig kahit hindi nauuhaw.
- Magdala ng tumbler o bote ng tubig.
- Kumonsulta sa doktor kung may limitasyon sa pag-inom ng tubig.
- Kapag nakararanas ng pagkahilo, sakit ng ulo, pamumulikat, o pagduduwal, agad na magpalamig at humingi ng tuong medikal kung kinakailangan.
- Subaybayan ang weather advisories ng DOST-PAGASA, QC Disaster Risk Reduction and Management Department (QCDRRMD) at Quezon City Government.
TIPS PARA SA MGA SENIOR CITIZENS:
- Uminom ng sapat na dami ng tubig kahit hindi nauuhaw.
- Manatili sa malamig o maaliwalas na lugar.
- Magsuot ng maluwag, magaan at preskong damit.
- Iwasan ang mabibigat na gawain at magpahinga nang madalas.
- Maligo ng malamig-lamig na tubig upang maibsan ang init.
- Bantayan ang anumang senyales ng heat stress o dehydration.
- Kapag nakararanas ng pagkahilo, sakit ng ulo, pamumulikat, o pagduduwal, agad na magpalamig at humingi ng tulong medikal kung kinakailangan.
- Subaybayan ang weather advisories ng DOST-PAGASA, QC Disaster Risk Reduction and Management Department (QCDRRMD) at Quezon City Government.
TIPS PARA SA MGA MAY SAKIT O CHRONIC DISEASES:
- Uminom ng sapat na dami ng tubig kahit hindi nauuhaw.
- Iwasan ang mabibigat na aktibidad at magpahinga.
- Ang labis na pagpapawis ay nagdudulot ng pagkawala ng asin at mineral sa katawan. Kumonsulta sa doktor kung paano ligtas na mapapalitan ang mga ito.
- Magsuot ng maluwag, magaan at preskong damit.
- Kapag nakararanas ng pagkahilo, sakit ng ulo, pamumulikat, o pagduduwal, agad na magpalamig at humingi ng tulong medikal kung kinakailangan.
- Subaybayan ang weather advisories ng DOST-PAGASA, QC Disaster Risk Reduction and Management Department (QCDRRMD) at Quezon City Government.
TIPS PARA SA OUTDOOR WORKERS:
- Uminom ng tubig nang madalas. Huwag hintaying mauhaw bago uminom.
- Iwasan ang alak at matatamis na inumin.
- Gumamit ng sunscreen at muling magpahid ayon sa nakasaad sa pakete.
- Kung maaari, iiskedyul ang trabaho sa mas malamig na oras.
- Magsuot ng maluwag, magaan, at preskong damit at sombrerong may malapad na brim.
- Magpahinga sa malamig o naka-aircon na lugar tuwing break at pagkatapos ng trabaho.
- Hikayatin ang mga katrabaho na magpahinga at uminom ng tubig.
- Kapag nakaranas ng pagkahilo, sakit ng ulo, pamumulikat, o pagduduwal, agad na magpalamig at humingi ng tulong medikal kung kinakailangan.
- Subaybayan ang weather advisories ng DOST-PAGASA, QC Disaster Risk Reduction and Management Department (QCDRRMD) at Quezon City Government.
CONTACT INFORMATION:
QUEZON CITY HEALTH DEPARTMENT
cityhealth@quezoncity.gov.ph
8988-4242 local 1607
REFERENCE:
QUEZON CITY HEALTH DEPARTMENT





