Padyak na!
Tara na at idagdag sa inyong bike destinations list ang bagong Bike Park and Trail na matatagpuan sa Payatas Controlled Disposal Facility (PCDF).
Ang PCDF QC Bike Park ay bukas mula Biyernes hanggang Linggo, 5:00AM – 6:00PM at WALANG entrance fee.
Mayroon itong 4 na ruta: Beginner Route, Beginner Trail, View Deck Route, at Perimeter Route. Mayroon ding Photo Area para sa ating certified selfie queen and king bikers!
Ang pagsasaayos ng PCDF Bike Park ay alinsunod sa 14-point agenda ni Mayor Joy Belmonte na payabungin pa ang green spaces sa lungsod.
Pinapayuhan din ang mga siklista at mga mamamasyal na magdala ng inuming tubig at panangga sa init ng araw upang maiwasan ang heat cramps, heat exhaustion, at heat stroke.
Narito ang guidelines na dapat sundin sa loob ng PCDF QC Bike Park.








You must be logged in to post a comment.