MGA DAPAT GAWIN KAPAG MAY PAGGUHO NG LUPA
For emergency, call:
Para sa emergency, tumawag sa:
- Helpline 122
- 8988-4242 local 8038
- Emergency Operations Center: 0947-885-9929; 0947-884-7498
A landslide is the movement of soil, rocks, mud or debris down a slope. This can be caused by continuous heavy rains (rain-induced landslides) or shaking due to earthquake (earthquake-induced landslides).
BEFORE
- Know the landslide prone areas and learn the early signs of impending landslides.
- Monitor the news for weather updates, warnings and advisories.
- Prepare your family’s Emergency Go Bag containing items needed for survival.
- Know the location of the evacuation site and the fastest and safest way to go there.
- When notified by local officials, immediately evacuate to safer grounds.
DURING
- When inside a house or building and evacuation is not possible, stay inside and get under a sturdy table.
- When outside, avoid affected areas and go to a safer place.
- When landslide cannot be avoided, protect your head.
- When driving, do not cross bridges and damaged roads.
AFTER
- Leave the evacuation area only when authorities say it is safe.
- Avoid landslide affected areas.
- Watch out for possible flashfloods due to clogging of creeks or rivers.
- Check for missing persons and report it to authorities.
- Bring the injured and sick to the nearest hospital.
- Check your house for possible damages and repair as necessary.
- Report fallen trees and electric posts to proper authorities.
Ang landslide o pagguho ay ang pagbaba ng lupa, bato, putik at iba pang bagay mula sa mataas na lugar. Ito ay maaaring mangyari kapag may malakas at tuloy-tuloy na pag-ulan o pagyanig mula sa lindol.
BAGO ANG PAGGUHO NG LUPA
- Alamin ang mga lugar na may banta ng pagguho ng lupa at alamin ang mga palatandaan nito.
- Alamin ang balita ukol sa panahon at mga anunsyong pangkaligtasan.
- Ihanda ang Emergency Go Bag na naglalaman ng mga pangangailangan ng pamilya.
- Alamin ang lugar na paglilikasan at ang pinakamabilis at ligtas na daan patungo dito.
- Kapag inabisuhan ng kinauukulan, mabilis na lumikas sa ligtas na lugar.
HABANG MAY PAGGUHO NG LUPA
- Kapag nasa loob ng bahay o gusali at hindi posible ang paglikas, manatili sa loob, at magtungo sa ilalim ng matibay na mesa.
- Kapag nasa labas, umiwas sa gumuhong lupa at magtungo sa mas ligtas na lugar.
- Kung hindi maiiwasan na tamaan ng gumuguhong lupa, protektahan ang sarili.
- Kung nagmamaneho, huwag dadaan sa mga tulay at nasirang kalsada.
PAGTAPOS NG PAGGUHO NG LUPA
- Lisanin lamang ang evacuation area kapag ligtas na ayon sa kinauukulan.
- Umiwas sa mga lugar na may pagguho ng lupa.
- Kung malapit sa estero maging alerto sa posibilidad ng biglaang pagtaas ng tubig.
- Alamin kung may nawawalang kaanak o kakilala at agad na i-report sa kinauukulan.
- Dalhin sa pinakamalapit na ospital ang mga nasugatan at may karamdaman.
- Suriin ang bahay kung may mga nasira at ipaayos ang mga ito kung kailangan.
- Ipagbigay-alam sa kinauukulan ang mga natumbang puno at poste ng kuryente o telepono.