PABAHAY SA QCITIZENS!
Maswerteng nabunot ang 301 QCitizens sa isinagawang Facebook live public raffle para sa mga condominium units sa QCitizen Homes Urban Deca Housing Project sa pangangasiwa ng Housing Community Development and Resettlement Department (HCDRD) ngayong araw.
Kabilang sa mga benepisyaryo ng rental housing program ang mga solo parent na government employees, QCitizen solo parents, QC government employees, at QCitizens na mayroong apat na miyembro ng pamilya pataas na hindi lalagpas sa walo at may monthly income na P15,000 pataas.
Ayon sa HCDRD, ang mga kwalipikadong benepisyaryo na hindi nabunot sa raffle ay makakasama pa rin sa mga susunod na public draw sa mga magiging available na units sa QCitizen Homes Urban Deca Housing Project.
Dumalo bilang mga saksi sa live raffle sina HCDRD head Atty. Jojo Conejero, District Action Officers Ollie Belmonte, Atty. Tommy de Castro, William Bawag, Atty. Mark Aldave, tumayong kinatawan ni City Administrator Mike Alimurung si Internal Audit Service head Atty. Noel Emmanuel C. Gascon, mga kawani ng Human Resource Management Department, Barangay and Community Relations Department, mga miyebro ng Beneficiary Selection and Arbitration Committee, QC Local Housing Board, at mga kinatawan ng QC Liga ng mga Barangay, at QC People’s Council.
Para sa opisyal ng listahan, bisitahin ang official Facebook page ng QC HCDRD: https://www.facebook.com/share/p/16GWQEmtbY/




