Congratulations sa mga QCitizen na nanalo sa QCitizen IDiskarte program ng RCBC DiskarTech!
Layon ng programa na maisulong ang financial inclusion sa mga residente, sa pamamagitan ng pagbibigay oportunidad sa pagbubukas ng bank account, pagkakaroon ng savings, at paggamit ng digital payment.
Sa pakikipagtulungan din sa lokal na pamahalaan, nagsagawa rin ang RCBC Diskartech ng MoneyBela caravan para mas maibaba sa mga komunidad ang financial literacy at inclusion.
Dumalo awarding ceremony ng QCitizen IDiskarte Grand Draw sina Coun. Charm Ferrer, Coun. Kate Coseteng, Coun. Irene Belmonte, Coun. Ellie Juan, Assistant City Administrator for Fiscal Affairs Don Javillonar, Local Economic and Investment Promotions Office (LEIPO) Head Jay Gatmaitan, RCBC Executive Vice President Lito Villanueva, at District Action Officers ng lungsod.