Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Sama-samang pinapanood ng QCitizen kids at kanilang mga magulang ang Christmas Animated Display sa Quezon City Hall, at Novaliches Park.
Bahagi ito ng Joyful Christmas program ng Social Services Development Department para sa mga mag-aaral sa Child Development Centers. Layon nitong ipaliwanag at iparamdam sa mga bata ang kahalagahan ng pagdiriwang ng pasko.
Pagkatapos ng CAD, maaaring mamasyal ang mga bata at kanilang pamilya sa Quezon Memorial Circle at Lagoon, at kumain sa Paskong KumuQCkutitap Night Market.
Bukas sa publiko ang Christmas Animated Display. Mapapanood ito simula 6pm, sa Quezon City Hall Risen Garden at Novaliches Park.










