Maagang umalalay ang QCity Bus libreng sakay ng Lungsod Quezon sa mga QCitizens na apektado ng transport strike ngayong Lunes.
May mga nakaantabay na QCity Bus sa harapan ng National Housing Authority na command post ng Traffic and Transport Management Department (TTMD).
Nagpakalat na ng traffic enforcers mula sa TTMD, at naghanda ang mga tauhan ng GSD, DPOS, DRRMO at QCPD, upang magabayan ang mga motorista at pasahero na posibleng maapektuhan ng tigil-pasada.
Handa rin ang mga e-trike ng DPOS at barangay vehicles mula sa 142 barangay sa lungsod sakaling kailanganin ng mga residente.
Nakaantabay naman ang mga rescue unit ng MMDA, LTFRB, at AFP para alalayan ang mga apektadong pasahero.