Nag-deploy ng karagdagang QCity Bus units ang pamahalaang lungsod para umalalay sa mga pasahero dulot ng inaasahang mabigat na daloy ng trapiko ngayong araw.

Nakaantabay ang mga bus sa Commonwealth Market, Commonwealth Doña Carmen, Don Antonio, at Philcoa papuntang Welcome Rotonda upang magsakay ng mga pasahero.

Patuloy naman ang libreng sakay sa walong ruta na sineserbisyuhan ng QCity Bus Service.

+14