Nakiisa ang Quezon City Police District: Salaam Police Center of the District Community Affairs and Development Division sa paggunita ng Eid al Adha sa pangunguna ni PBGen. Remus Medina, Commissioner Yusoph Mando ng National Commission on Muslim Filipinos, Abdulkarim Hadji Ibrahim ng QC Bangsamoro Affairs Office, at Sec. RJ Belmonte bilang kinatawan ni Mayor Joy Belmonte.
Naging panauhing pandangal din si Sen. Robin Padilla sa naturang programa.
Kaisa ng pamahalaang lungsod ang mga kapatid na Bangsamoro tungo sa pagbalangkas ng mga programa at polisiya para sa ika-uunlad ng Muslim communities sa lungsod.



















