Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Magbasa habang nagpapalamig? Pwede ‘yan sa community libraries ng Quezon City!
32 community libraries ang itinalagang cooling centers ng Quezon City Government.
Dahil fully airconditioned, makakatulong ang mga cooling center para maibsan ang init na epekto ng climate change, lalo na para sa mga vulnerable sector tulad ng senior citizen, buntis, bata at persons with disability.
At dahil nasa library, pwedeng-pwede ring magbasa at mag-aral.
Bukas ang ating community library/cooling centers mula Lunes hanggang Biyernes, 8AM hanggang 5PM.
Ang pagtatayo ng cooling centers ay kasama sa binubuong “Cooling Map” na bahagi ng Comprehensive Heat Action Plan ng lungsod.









