Pinakinggan ni Mayor Joy Belmonte ang mga kahilingan ng mga batang ina at ama sa kanilang naging pag-uulat sa QC Batang Ina Summit na inilunsad ng QC Gender and Development Council, bilang bahagi ng Children’s Month sa Don Alejandro Roces, Sr. Science and Technology High School.
Dinaluhan ng 257 na batang ina at 19 na batang ama ang summit. Nagkaroon sila ng pagkakataong iulat sa alkalde ang kanilang mga komento at suhestiyon tungkol sa mga Gender-based Violence; Continuing Education; Psycho-social Health; Health (Maternal and child’s health and responsible parenting); Family and Community; at Employment and Livelihood.
Nag-set up din ng mga booths ang mga departamentong katuwang ng QC GAD Council upang tugunan ang mga pangangailangan ng mga benepisyaryong dumalo. Kabilang na rito ang employment offers, maternal counselling and check-ups, at scholarships. Binigyan din sila ng loot bags mula sa lungsod at iba-ibang partner ng Council.
Dumalo rin kasama ni Mayor Joy sina QC SK President and Councilor Noe Dela Fuente III, QCHD Medical Officer III Dr. Jhoan Pilotin, QCHD Family Planning Division Medical Officer IV Dr. Rochelle Paulino, at QC Protection Center OIC Janet Oviedo.