Tagumpay ang Batch 2!
Congratulations sa 19 Tricycle Operators and Drivers’ Association (TODA) Secretaries sa District 5 sa kanilang limang araw na Computer Literacy Training.
Nakatuon ang pagsasanay sa paggamit ng Microsoft Word at PowerPoint upang higit pang mapaunlad ang kanilang kaalaman at kasanayan sa mga digital na kagamitan.
Sa kanilang huling araw na training, nagpakitang gilas pa sila sa paggamit ng natutunan sa training.
Pinangunahan ito nina Ms. Marie Faustin T. Edullan, main trainer ng Computer Literacy Training, katuwang si Mr. Hans Monta bilang co-trainer, ang pagsasanay at paggabay sa mga kalahok. Dumalo rin sina Mr. Benjamin Ibon, Chief of Transportation Regulation Officer, at Ms. Carmel C. Tordesillas, LPT, RPM, MA, Supervising Administrative Officer ng QC Training and Assessment Center.










