Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Sumailalim ang 12 mananahi, kabilang ang mga dating OFW, sa unang araw ng Dressmaking Training ng Quezon City Training and Assessment Center (QCTAC).
Bilang unang hakbang sa kanilang limang araw na pagsasanay, natutunan nila ang tamang pagsukat sa iba’t ibang klase ng mga damit, paggupit sa tela, at paggamit ng sewing machine.
Pinangunahan ni Ms. Cynthia Banzon, trainer ng Dressmaking Training, ang unang araw ng pagsasanay para sa unang batch.










