Tagumpay ang Batch 3! ![]()
Matagumpay na nagtapos ang 43 trainees sa limang araw na General Virtual Assistance (VA) Training ng Quezon City Training and Assessment Center (QCTAC) noong September 14–18, 2026 sa SB Negotech Center, Brgy. Tatalon, Quezon City.
Bilang huling hamon bago ang pagtatapos, sumalang ang mga trainees sa isang institutional assessment upang masukat at masuri ang kanilang mga natutunan sa limang araw na training sa pamamagitan ng pen-and-paper examination, mock interview, at practical demonstration.
Pinangunahan nina Ms. Carmel C. Tordesillas, LPT, RPM, MA, Supervising Administrative Officer, at Ms. Aki Edullan, trainer mula sa QCTAC, ang paggawad ng Certificates of Completion sa mga trainees na nagpakita ng kahanga-hangang performance, dedikasyon, at pagsisikap sa buong training.










