Ipinagmamalaki ng Lungsod Quezon ang tagumpay ng Quezon City University Robotics Team sa VEX U Robotics Competition National Championship.
Nakamit ng koponan ang Tournament Champion, Robot Skills Challenge Champion, Excellence Award, at Best Design Award.
Dahil dito, ang QCU ay kasalukuyang nasa ika-17 na rank mula sa 160 teams sa buong mundo sa VEX World Skills Standings, patunay ng world-class ang husay ng mga QCians.
Buong pagbati at taos-pusong suporta ang ipinarating nina Mayor Joy Belmonte at QCU President Dr. Theresita Atienza sa karangalang dinala ng QCU Robotics Team, hindi lamang sa Quezon City kundi sa buong bansa.
Mabuhay ang QCU!








