Isang makabuluhang tatlong araw na hakbang tungo sa pagpapatibay ng Early Childhood Care and Development (ECCD) system sa Quezon City!
Nagsagawa ang Knowledge Channel Foundation Inc., katuwang ang Quezon City Government, ng Quezon City 0–8 ECCD System Alignment Workshop, kung saan nagsama-sama ang iba-ibang stakeholder upang higit pang mapagtibay ang koordinasyon at pag-aangkop ng mga programa at serbisyong para sa mga batang may edad 0–8.
Layunin ng aktibidad na ito na isulong ang isang integrated at responsive na ECCD system na susuporta sa adhikain na matiyak na ang bawat Batang QC ay malusog, ligtas, at handa sa panghabambuhay na pagkatuto.
Maraming salamat sa Knowledge Channel Foundation Inc. sa patuloy na pakikiisa at pagsuporta sa pagsusulong ng dekalidad na serbisyong pangkabataan.










