Iba-ibang serbisyo at programa ang nailunsad ng lokal na pamahalaan ng Quezon City noong 2022 para mas lalo pang mapaglingkuran ang mga residente ng lungsod.
Mula sa malawakang bakunahan kontra COVID-19, pamamahagi ng iba-ibang tulong sa mga nais magsimula o magpalago ng kanilang negosyo, proyektong pabahay, ang pag-arangkada ng services caravan para mailapit sa mga residente ang mga serbisyo ng pamahalaang lungsod, fuel subsidy sa mga miyembro ng TODA, libreng maintenance medicine at maraming iba pa.
Umani ng kabi-kabilang tagumpay ang Quezon City sa taong 2022 dahil sa buong suporta at pakikiisa ng QCItizens.
Muli nating balikan ang mga pangyayari at programa sa nagdaang taon sa video na ito.