Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Congratulations, CA Mike! ![]()
Ginawaran si Quezon City Administrator Michael Victor Alimurung ng Champion for Digital Advocacy and Connectivity Award sa taunang GCash Digital Excellence Awards (GDAE).
Iginagawad ito sa mga indibidwal, ahensya, o organisasyon na naging mahalagang katuwang ng GCash para mas mapalawak ang abot nito sa iba-ibang lugar at sektor.
Ang parangal na ito ay pagkilala sa kanilang pagsusumikap na mapalakas ang ugnayan at koneksyon, upang mas maraming tao ang magkaroon ng access sa mga serbisyong pinansyal na naaayon sa kanilang pangangailangan at kapasidad.
Personal na tinanggap ni CA Mike ang award kahapon sa Grand Hyatt Hotel, Bonifacio Global City, Taguig.










