Lumagda sa isang partnership contract ang Quezon City Government at New Zealand sa pangunguna ni Mayor Joy Belmonte at NZ Plant and Food Research Limited CEO Mike Piper.
Nakiisa rin sa contract signing si New Zealand Prime Minister Christopher Luxon.
Nakasaad sa kasunduan ang pakikipagtulungan ng NZ Plant and Food Research Limited sa pagtatayo ng cold chain facilities sa mga public market sa Quezon City.
Bubuo rin ng City Markets Food Safety and Post-harvest Guidelines upang maituro sa mga market vendor at wholesaler ang tamang pangangasiwa ng mga pagkain.